Parang nawawala na ang text cards, mga maliliit na cards na may characters galing sa iba’t ibang palabas tulad ng Dragon Ball Z. May koleksyon ako nito noon. Ngunit ngayon parang hindi na ito binebenta sa mga sari-sari store. Maaaring ang technological advancements ang responsable sa pagkawala nito. Ba’t pa nga ba magkakainteres sa text cards kung abot kaya na naman ngayon ang internet at iba pang video games.
- Kookie Santos (93328)
Sa panahon natin ngayon, pag usapang gadgets na, eh paliitan at palakihan ng memory na. Dahil dito, hindi nakakapagtaka na ang floppy disk halos mawala na sa balat ng mundo. Manipis nga ang korte nito ngunit konting konti lang naman ang mailalagay mo dito, hindi pa aabot ng isang gigabyte at madalas masisira ang mga files mo. Ang mga CDs, USB, external hard drives na ang pumalit dito, kahit nga ang iPod o cellphone pwede mo nang gamitin storage device para sa mga dokumento mo eh. Pero para sa akin, may espesyal pa rin na puwesto ang floppy disk sa puso ko kasi lumaki ako dito, nahirapan ako magpaprint dahil dito pero naging bahagi pa rin siya ng buhay ko.
- Mandy Diaz de Rivera (91254)
Ang sipa ay isang laruan na gawa sa shredded plastic na nakakabit sa isang metal washer. Pwedeng dagdagan ng washer upang bumigat ang sipa hanggang ma abot ang gustong bigat. Ang laruang ito ay pwedeng bilhin at maaari rin itong gawin mula sa mga gamit na makikita sa bahay. Ginagamit ang sipa upang maglaro ng Black Magic, Metro-metro, at iba pa. Madalas itong linalaro ng mga kabataan sa kanilang mga breaks sa eskwelahan.
Ngayon ay hindi na nakikita ang ganitong mga laruan sa eskwelahan. Minsan ay makikita na lamang itong nilalaro ng mga kabataang mahirap ang pamilya. Isang dahilan sa pagkalimot ng larong sipa ay ang pagdating ng mga high-tech na laruan ngayon tulad ng PSP at Gameboy. Dahil dito, hindi na masyadong lumalabas ang mga bata upang maglaro dahil kontento na silang nasa loob ng bahay sa harap ng TV o kompyuter. Isa itong ebidensiya na ang taknolohiya ay namumuno na sa maraming aspekto ng buhay ngayon.
- Jairus Guzon (91773)
Bago nawalan ng marangal na kabuhayan ang mga batang-kalye, naglipana ang mga shoe polish boys na bigla na lamang sasalta sa puwitan ng jeep upang linisin ang sapatos ng sinumang ginoo. Marahil pinakamahalaga sa kanyang mga dalang gamit ang pampakintab ng sapatos o shoe polish. Gawa sa wax o anumang kemikal na magpapakintab at poprotekta sa itim, kayumanggi, o beige na leather, nabibili ang shoe polish noon sa napakamurang halaga. Upang magamit, kailangan ng isang basahan o tuwalya para ipahid ang wax bago pakintabin ng mismong shoe brush ang sapatos.
Paglipas ng panahon, unti-unting nawala ang shoe polish dahil sa nagbabagong panlasa, teknolohiya, at kultura ng mga Pilipino. Noong uso pang magbihis pormal, talamak ang shoe polish dahil palaging leather na sapatos ang katerno ng kasuotan. Paglaon, sa mahahalagang okasyon na lamang tulad ng kasal, binyag, o business meeting isinusuot ang leather shoes. Sa kasalukuyan, pinipili na ng modernong Pilipinong magsuot ng mga tsinelas, sneakers, sandalyas, CrocsTM, SanukTM, at iba pang pang-sapin sa paa na gawa sa bago at mas murang materyales na hindi na nangangailangan ng basahan at shoe brush para lamang kumintab at magmukhang presentable.
- Alfred Marasigan (92380)
“Ibang-iba na talaga ang panahon ngayon.”
Madalas nating naririnig itong sabihin ng ating mga lolo’t lola. Kasama na rin sa patuloy na pagiiba ng panahaon ang pagbabago ng panananaw ng kabataan sa buhay. Aba’y pati na rin kami na mga bata pa ay nakikisali na rin sa pagsasabi nito! Napapakita nito na ayaw pa naming tumanda ngunit sa huli ay walang rin naman kaming magagawa dahil hindi maiiwasan na tatanda and tatanda rin naman kami. Ngunit, kung titingnan at tutuusin ay napakabilis nga naman nangyari ang mga pagbabago sa nakaraang dekada kumpara sa ibang mga nakaraang panahon.
Ang light-up shoes na sobrang uso noong bata pa kami noong 90’s ay hindi na makikita ngayon. Kung noon ay tuwang-tuwa na kami sa aming sapatos na umiilaw kapag kami ay naglalakad, nagyon ay napalitan na rin sila ng roller shoes na may built-in na mga gulong. Para silang instant roller blades. Instant roller blades = instant fun! Ngunit, hindi na rin masyadong uso ang roller shoes, napalitan naman sila ng mga mas-fashionable sa sapatos gaya ng mga Dunks. Nagbago nanaman ang gusto ng mga bata. Dati ay simple lang ang kasiyahan nila, hindi importante yung style at design basta’t nakakaliw ang sapatos. Pagkatapos nito’y masnabigyan naman ng kahalagahan ang functionality, kinailangan na parehong maganda at nakakaaliw yung sapatos. Hanggang sa naging mas-mature naman ang taste ng mga bata na para na rin silang mga teenagers sa kanilang pananamit.
Ang light-up shoes na malapit sa puso ng aming henerasyon ay monumento ng nalipas nang panahon ng inosente and simpleng pag-iisip ng kabataan.
- Camille Encarnacion (81331)
Dating popular sa mga batang babae ang paggawa ng mga kwintas, pulseras, at iba pang accessories gamit ang bulakbulak ng Santan. Para kumapit, pinapasok ang dulo nito sa butas na malapit sa talulot ng kasunod na bulaklak. Hindi man ito kasin tibay o kasing ganda ng mga accessories gawa ng beads o iba pang materyales, nasa proseso ng paggawa ang tunay na kasiyahan sa mga “Santan accessories”.
Sa kasawiang palad, hindi na ngayon uso ang paggawa nito. Paminsan-minsan na lang lumalabas ang mga bata kaya wala nang panahon para pumitas at pagdikitin ang mga bulaklak. Dagdag pa, sa paglipas ng panaho’y pasosyal nang pasosyal ang mga batang babae. Mas pipiliin na nila ang mga accessories galing sa tindahan kaysa sa mga gawa lamang sa Santan na hindi man lamang tumatagal ng isang araw.
- Tray Uy (93877)